Noong June 27, 2019, ginanap ang graduation ng UP School of Statistics, at ang keynote speaker ay si Vice President Leni Robredo. Since walang sablay na susuotin si VP Leni, pinahiram ko ang aking sablay. Hindi ako nakadalo sa graduation dahil sa nagsilbi akong training assistant noong hapon sa Stat. Pagkatapos ng graduation ceremony ay di na nabalik ni Leni ang aking sablay. Medyo nalungkot ako dahil iyon pa man din ang sablay na sinuot ko sa aking graduation.
Kinabukasan, kinwento ko sa mga Stat 101 students ko nitong katatapos lang na midyear ang nangyari habang sine-set ko ang projector sa simula ng klase. Matagal rin kasing mag-start ang computer ko, at para walang dead-air ay kinwento ko sa kanila ang nangyari sa aking sablay. Nalungkot rin sila para sa akin at sa aking sablay.
Matapos ang isang linggo, pagpasok ko ng classroom ay nakakita ako ng isang brown envelope at nakasulat sa harap nito ay "Sir Olea, From VP Leni." Pagkabukas ko ng envelope, walang duda, nakita ko ang aking sablay. Sobrang saya ko noon at gusto kong magtatatalon. Pero dahil nasa harap ako ng klase, at para hindi ako magmukhang tanga ay di ko ginawa. Tinanong ko na lang sila kung kilala ba nila ang nagbalik ng sablay ko. Walang sumagot sa mga estudyante ko. In-assume ko na lang na grad committee ng Stat ang nagbalik ng sablay ko.
Pagkatapos ng semestre at pagbigay ko ng final grades ng mga estudyante ko, umamin na ang ilan sa mga estudyante ko na sila ang nagbuhos ng effort para mabalik ang aking sablay. Matapos raw nilang marinig ang istorya ko ay m-in-essage nila ang admin ng FB page ni Robredo, at kin-ontact ang ilang tauhan ni VP. Buti na lang at isa sa mga estudyante ko ay may kakilalang pamangkin ni Leni. So siya na raw kumausap sa secretary ni Leni para mabalik yung sablay. Ngayon lang umamin ang mga estudyante ko para di makaapekto ang ginawa nila sa magiging grades nila; a true testament to honor and excellence.
Sobrang na-amaze talaga ako sa ginawa ng mga estudyante ko this midyear. This is currently my most memorable experience while teaching here in UP kasi nag-uumapaw na pagmamahal ang naramdaman ko mula sa kanila.
Dun sa mga estudyante ko, maraming salamat ulit! Hinding-hindi ko makakalimutan etong ginawa niyo sa akin. Sobrang na-touch talaga ako huhuhu. Maraming salamat ulit sa isang masaya at makabuluhang semestre. :D
No comments:
Post a Comment