Natapos na ang semestre. Pagkababa ko sa aming building,
nakita ko si Diane na lumabas sa Office of University Registrar.
“Uy!” sigaw ko habang kumakaway. Narinig ni Diane ang aking
sigaw at tinignan niya muna ako nang matagal bago siya kumaway pabalik. “Uy!”
sabi niya.
Tumawid ako ng kalsada at naglakad ako papunta sa kanya.
“Musta ka na?” sigaw ko bago pa ako makapunta sa harap niya. Nabakas ko kaagad
ang kanyang ngiti. Napangiti rin ako.
“Eto ayos naman. Kamusta ang pagtuturo?”
“Kakatapos lang naming magklase. Sobrang nakakapagod kase
andaming che-checkan. 59 ang students ko ngayong midyear at kakatapos lang
mag-exam ng mga estudyante ko. Ayan sila oh naghihintay ng jeep.”
Bumati ng “hello po sir” ang mga estudyante ko. Kumaway si
Diane sa kanila at tinanong “Kamusta naman si sir magturo?”
Napatawa ang mga estudyante kong naghihintay ng jeep.
“Mahirap po siya magpa-exam.” Napatawa si Diane.
“Hindi naman mahirap ang exam na yun ah. Andali nga lang,
puro concepts,” palusot ko.
“Eh kasi sir, ang hirap nung True or False. Hindi mo alam
kung tama ba yung statement o hindi.”
“Well ganoon talaga. Naglalagay talaga ako ng mga ganoong
tanong para masala yung dapat na makauno.”
“Grabe ka naman ata sa mga estudyante mo. Stat 101 lang
pinapahirapan mo pa sila,” sabi ni Diane.
“Opo ate, sobrang hirap po talaga niyan magpa-exam. Tapos
araw-araw pa may quiz. Di ka ba sir napapagod mag-check?”
Natawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Andi. Maya maya
lang ay may napadaan nang jeep papuntang SM. “Sige po sir! See you po bukas,”
paalam ng mga estudyante ko sa akin. Bago umakyat si Andi ay intinuro niya ako
at si Diane at ngumiti siya nang malagkit.
“Maingay talaga yan si Andi sa klase ko eh” sabi ko kay
Diane nang makaalis na ang jeep. “Ano pala ginagawa mo rito?”
“Wala kumukuha lang ako ng transcript. Lilipat na kasi ako
ng trabaho at nawala na yung dati kong transcript. Di ko na alam kung saan ko
siya nalagay.”
“Bakit ka lilipat ng trabaho? Antagal mo na sa kumpanyang
yan ah.”
“Di ko na talaga gusto doon. Sobrang hirap pakisamahan ng
boss ko.”
“Well kung di mo na gusto, wala nang rason para manatili
doon. Nakuha mo na transcript mo, o nag-request ka pa lang ngayon?”
“Nakuha ko na siya. Last month pa ako nag-request.” Pinakita
ni Diane ang kulay rosas na papel.
“Edi san ka na ngayon pupunta?”
“Uuwi na sana kaso nagugutom na ako eh.”
“Gusto mo sabay na lang tayo?”
“Sige sige. Saan naman? May kiosks pa ba dito?”
“Wala na. Pinatanggal na dati pa nung na-renovate yung CAL.”
“Awww. Sayang naman. Gusto ko pa namang kumain ng Lucky Me
Mac and Cheese”
“Di ka pa ba nakakain nun simula ng umalis ka sa UP? Di ba
may nabibili naman nun sa groceries? Bat di na lang ikaw ang magluto?” Napatawa
kaming dalawa.
‘Well, tinatamad ako.” Mas malakas ang tawa namin dito.
“So saan na tayo kakain?”
“Gusto mo sa Vinzon’s na lang? Nandoon na lahat ng kainan
eh”
“Wala na ring Area 2?”
“Maraming nagsara doon nung nagkaroon ng fire inspection.
May kainan pa naman, pero konti na lang.”
“Sige sa Vinzon’s na lang tayo. Gosh gusto ko pa naman ng
shake.”
“May shake naman doon sa Vinzon’s.”
“May masasakyan ba tayo papunta doon? May Ikot ba ngayon?”
“Uhm walang Ikot Jeep tuwing midyear.” Isang
kasinungalingan.
“Ay ganoon? So lakad na lang tayo?”
“Sige sige. Para mas presko yung lalakaran natin, dun tayo
sa univ ave maglakad.”
No comments:
Post a Comment