Friday, August 23, 2019

Transcript


Natapos na ang semestre. Pagkababa ko sa aming building, nakita ko si Diane na lumabas sa Office of University Registrar.
“Uy!” sigaw ko habang kumakaway. Narinig ni Diane ang aking sigaw at tinignan niya muna ako nang matagal bago siya kumaway pabalik. “Uy!” sabi niya.
Tumawid ako ng kalsada at naglakad ako papunta sa kanya. “Musta ka na?” sigaw ko bago pa ako makapunta sa harap niya. Nabakas ko kaagad ang kanyang ngiti. Napangiti rin ako.
“Eto ayos naman. Kamusta ang pagtuturo?”
“Kakatapos lang naming magklase. Sobrang nakakapagod kase andaming che-checkan. 59 ang students ko ngayong midyear at kakatapos lang mag-exam ng mga estudyante ko. Ayan sila oh naghihintay ng jeep.”
Bumati ng “hello po sir” ang mga estudyante ko. Kumaway si Diane sa kanila at tinanong “Kamusta naman si sir magturo?”
Napatawa ang mga estudyante kong naghihintay ng jeep. “Mahirap po siya magpa-exam.” Napatawa si Diane.
“Hindi naman mahirap ang exam na yun ah. Andali nga lang, puro concepts,” palusot ko.
“Eh kasi sir, ang hirap nung True or False. Hindi mo alam kung tama ba yung statement o hindi.”
“Well ganoon talaga. Naglalagay talaga ako ng mga ganoong tanong para masala yung dapat na makauno.”
“Grabe ka naman ata sa mga estudyante mo. Stat 101 lang pinapahirapan mo pa sila,” sabi ni Diane.
“Opo ate, sobrang hirap po talaga niyan magpa-exam. Tapos araw-araw pa may quiz. Di ka ba sir napapagod mag-check?”
Natawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Andi. Maya maya lang ay may napadaan nang jeep papuntang SM. “Sige po sir! See you po bukas,” paalam ng mga estudyante ko sa akin. Bago umakyat si Andi ay intinuro niya ako at si Diane at ngumiti siya nang malagkit.
“Maingay talaga yan si Andi sa klase ko eh” sabi ko kay Diane nang makaalis na ang jeep. “Ano pala ginagawa mo rito?”
“Wala kumukuha lang ako ng transcript. Lilipat na kasi ako ng trabaho at nawala na yung dati kong transcript. Di ko na alam kung saan ko siya nalagay.”
“Bakit ka lilipat ng trabaho? Antagal mo na sa kumpanyang yan ah.”
“Di ko na talaga gusto doon. Sobrang hirap pakisamahan ng boss ko.”
“Well kung di mo na gusto, wala nang rason para manatili doon. Nakuha mo na transcript mo, o nag-request ka pa lang ngayon?”
“Nakuha ko na siya. Last month pa ako nag-request.” Pinakita ni Diane ang kulay rosas na papel.
“Edi san ka na ngayon pupunta?”
“Uuwi na sana kaso nagugutom na ako eh.”
“Gusto mo sabay na lang tayo?”
“Sige sige. Saan naman? May kiosks pa ba dito?”
“Wala na. Pinatanggal na dati pa nung na-renovate yung CAL.”
“Awww. Sayang naman. Gusto ko pa namang kumain ng Lucky Me Mac and Cheese”
“Di ka pa ba nakakain nun simula ng umalis ka sa UP? Di ba may nabibili naman nun sa groceries? Bat di na lang ikaw ang magluto?” Napatawa kaming dalawa.
‘Well, tinatamad ako.” Mas malakas ang tawa namin dito.
“So saan na tayo kakain?”
“Gusto mo sa Vinzon’s na lang? Nandoon na lahat ng kainan eh”
“Wala na ring Area 2?”
“Maraming nagsara doon nung nagkaroon ng fire inspection. May kainan pa naman, pero konti na lang.”
“Sige sa Vinzon’s na lang tayo. Gosh gusto ko pa naman ng shake.”
“May shake naman doon sa Vinzon’s.”
“May masasakyan ba tayo papunta doon? May Ikot ba ngayon?”
“Uhm walang Ikot Jeep tuwing midyear.” Isang kasinungalingan.
“Ay ganoon? So lakad na lang tayo?”
“Sige sige. Para mas presko yung lalakaran natin, dun tayo sa univ ave maglakad.”


Monday, August 5, 2019

Oplan: Ibalik ang Sablay

Noong June 27, 2019, ginanap ang graduation ng UP School of Statistics, at ang keynote speaker ay si Vice President Leni Robredo. Since walang sablay na susuotin si VP Leni, pinahiram ko ang aking sablay. Hindi ako nakadalo sa graduation dahil sa nagsilbi akong training assistant noong hapon sa Stat. Pagkatapos ng graduation ceremony ay di na nabalik ni Leni ang aking sablay. Medyo nalungkot ako dahil iyon pa man din ang sablay na sinuot ko sa aking graduation.
Kinabukasan, kinwento ko sa mga Stat 101 students ko nitong katatapos lang na midyear ang nangyari habang sine-set ko ang projector sa simula ng klase. Matagal rin kasing mag-start ang computer ko, at para walang dead-air ay kinwento ko sa kanila ang nangyari sa aking sablay. Nalungkot rin sila para sa akin at sa aking sablay.
Matapos ang isang linggo, pagpasok ko ng classroom ay nakakita ako ng isang brown envelope at nakasulat sa harap nito ay "Sir Olea, From VP Leni." Pagkabukas ko ng envelope, walang duda, nakita ko ang aking sablay. Sobrang saya ko noon at gusto kong magtatatalon. Pero dahil nasa harap ako ng klase, at para hindi ako magmukhang tanga ay di ko ginawa. Tinanong ko na lang sila kung kilala ba nila ang nagbalik ng sablay ko. Walang sumagot sa mga estudyante ko. In-assume ko na lang na grad committee ng Stat ang nagbalik ng sablay ko.
Pagkatapos ng semestre at pagbigay ko ng final grades ng mga estudyante ko, umamin na ang ilan sa mga estudyante ko na sila ang nagbuhos ng effort para mabalik ang aking sablay. Matapos raw nilang marinig ang istorya ko ay m-in-essage nila ang admin ng FB page ni Robredo, at kin-ontact ang ilang tauhan ni VP. Buti na lang at isa sa mga estudyante ko ay may kakilalang pamangkin ni Leni. So siya na raw kumausap sa secretary ni Leni para mabalik yung sablay. Ngayon lang umamin ang mga estudyante ko para di makaapekto ang ginawa nila sa magiging grades nila; a true testament to honor and excellence.
Sobrang na-amaze talaga ako sa ginawa ng mga estudyante ko this midyear. This is currently my most memorable experience while teaching here in UP kasi nag-uumapaw na pagmamahal ang naramdaman ko mula sa kanila.
Dun sa mga estudyante ko, maraming salamat ulit! Hinding-hindi ko makakalimutan etong ginawa niyo sa akin. Sobrang na-touch talaga ako huhuhu. Maraming salamat ulit sa isang masaya at makabuluhang semestre. :D

Nanlibre si Jimmy



Nilapag ko ang madugong kutsilyo sa lababo. Noon ko lamang naramdaman ang hapdi sa aking siko buhat ng malaking sugat na kinagatan ni Ana. Pinigilan kong hindi bumulyaw habang inaangat ang aking kamay. Tumingin ulit ako sa mukha ng dalagang aking pinaslang na nakahiga sa sahig ng kanilang kusina. Napakakinis ng kanyang mukha. Nakamulat pa rin ang kanyang malaking mata, ngunit walang mababakas na ilaw mula rito. Nakabukas ang kanyang bibig at may kaunting dugong tumutulo mula sa kanyang bunganga. Matagal pa akong tumitig sa aking pinatay bago ko mapag-isipang tumakas.
Sinubukan kong ihakbang ang aking kanang paa. Nakaramdam ako ng kaunting pananakit sa tuhod dahil kanina ay tumama ito sa mesa habang inaagaw ko kay Ana ang kutsilyong hawak niya. Hinakbang ko naman nang walang hirap ang aking kaliwang paa. Paika-ika akong lumakad palabas ng kusina.
Pagdating sa salas, tinignan ko ang aking sarili sa salaming nakakabit sa gilid ng hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Hindi maganda ang aking lagay. Puno ng dugo ang aking katawan, bakas sa aking T-shirt na kulay grey. Mula ang dugo sa saksak sa akin sa kaliwang tagiliran. Di naman kita ang dugo mula sa pantalon kong kulay itim. Para makita naman ang pinsala sa aking mukha, tinanggal ko ang maskarang bumabalot sa aking identidad.
Malubha ang lagay ng aking ilong dahil nasiko ito ni Ana kanina; namumula, at may umaagos na ilog ng dugo mula rito. Nang tinaas ko ang aking ilong upang makita nang maayos sa salamin ang sira, naramdaman kong sumakit ang dalawang itaas na ngiping nasa harapan. Gumalaw ito nang bahagya nang tinulak ko paloob. Napamura na lang ako sa aking sinapit. Tinignan kong maigi ang aking mukha at nag-isip ng dahilan sa aking asawa kung bakit ganito ang aking sinapit. Nakaaninag ako ng galaw sa likod ng salamin. Tumalikod ako at nakita ko ang isang batang babaeng edad anim o pito na nakatayo at nakabukas ang bibig, hindi mawari kung ano kanyang nakikita.
Nagtitigan kami nang matagal. Sinuot ko muli sa aking mukha ang aking maskara. Lumabas ako nang mabagal mula sa bahay. Pagsara ko ng pinto, nakita ko ulit ang bata, di gumalaw mula sa kanyang pwesto, nakabukas pa rin ang bunganga at walang maibugang salita mula sa kanyang bibig.
Sa labas ng bahay, naglakad ako nang paika-ika sa kahabaan ng madilim na eskinita. Sa dulo ng eskinita, nakita ko si Jimmy mula sa kotse na kumakaway na magmadali ako. Binilisan ko ang aking paglalakad, kahit na ang kapalit nito ay mas masakit na katawan. Paglapit ko sa kotse, binuksan ng Jimmy ang pintuan sa tabi ng driver.
“Bat ang tagal mo?” una niyang tanong.
“Lumaban si Ana eh,” sagot ko. “May towel ka ba diyan, malulunod na ako sa sarili kong dugo.”
“Eto,” tumayo siya nang bahagya para kunin ang kanyang bag sa likod ng kotse. Dinukot niya ang isang dilaw na panyo mula sa kanyang bag at inabot sa akin.
“Panyo? Wala ka bang towel?”
“Wala na eh.”
“Sige na nga pwede na ito” sinimulan kong punasan ang aking mukha.
“Bakit ka nga natagalan? May kasama ba siya doon?”
“Wala naman. Nadulas lang ako sa kusina kaya siya ang unang nakaatake sa akin. Sinaksak niya ako.” Pinakita ko ang malaking hiwa sa aking tagiliran.
“Ano ba naming klaseng katangahan yan?” at bigla siyang humalakhak. Napatawa rin ako pero tinigilan ko rin dahil sumasakit ang aking sugat sa bawat tawa.
“Okay lang ba sa’yo? Punong puno na ng dugo itong panyo mo.”
“Sige okay lang. Sa’yo na yan.”
Pinagpatuloy ko ulit ang pagpunas sa aking mukha. May narinig kami sa aming likuran at parehas kaming tumalikod.
“May paparating. Kailangan na nating umalis,” sabi ni Jimmy. At umalis na kami mula sa lugar na iyun. Sa pag-andar ng kotse, bigla akong bumulyaw nang sumakit ang aking tagiliran.
“Pwede ba tayong kumuha ng pansara sa sugat na’to? Meron atang malapit na Mercury dito.”
“Meron ba? Parang wala akong nadaanan.”
“May nakita akong isa malapit dun sa gasolinahan kanina.”
“Pero di tayo dadaan doon. Kailangan nating sabihin kay Donya na napatay na natin ang target.”
“Pero sobrang sakit na talaga nitong tagiliran ko,” dinampiaan ko ang aking sugat at sumigaw ako nang malakas sa sakit; sigaw na kay lakas, kayang marinig ng buong barangay.
“Oo na sige! Pupunta na tayo sa Mercury. Tae naman kasi, hindi nag-iingat.”
Napangiti ako nang bahagya. PInigilan kong tumawa upang di humapdi ang sugat.
“Paano mo ngayon sasabihin yan kay Rhea? Di ka na ata niya makikilala sa itsura mo ngayon,” sabi ni Jimmy habang lumiliko papunta sa malaking highway.
“Sabi ko naman na isang linggo akong mawawala dahil may kontrata ako sa Cabanatuan. Sana gumaling itong sugat ko matapos nun, kasi yari na naman ako niyan.”
“Paano pag di gumaling? Ano na namang sasabihin mong rason?”
“Eh ganoon pa rin.”
“Na nakipag-away ka na naman sa inuman? Baka magalit na sa akin yang misis mo. Baka sabihin “Takaw gulo naman itong si Jimmy wag ka nang sumama diyan,”” sinubukang niyang impisan ang boses para gayahin ang boses ng aking asawa. Napatawa ako at sumigaw sa sakit sa aking kaliwang tagiliran.
“Tae naman wag ka nang magpatawa. Sumasakit sugat ko sa pagtawa eh,” pakiusap ko.
“Lumalaki ata yung sugat pag tumawa ka eh.”
“May iba ka pa bang bimpo? Ipang-tatapal ko lang rito sa tagiliran ko.”
“Wala na. Bakit di ka kasi nagdala? Di ba may malinis kang T-shirt na dala, yun na lang muna; i-ikot mo dyan sa beywang mo.”
“Puti dala kong damit eh. Mahirap tanggalin mantsa ng dugo doon. Sa susunod talaga magdadala ako ng maraming bimpo.”
“Dapat lang. Paubos na towel ko sa’yo.”
“O ayan na yung gasolinahan.” Nakarating na ulit kami sa gasolinahan na hinintuan namin upang kumarga ng krudo.
“Nasan mo nakita yung Mercury?”
“Doon oh,” tinuro ko ang isang branch ng Mercury Drug na nasa kaliwa ng isang malaking supermarket.
“Bukas pa ba yan?”
“Oo 24 hours yang bukas.”
Nagmaneho ulit si Jimmy papunta sa Mercury Drug.
“Sana may sinulid sila diyan at karayom pang-sugat,” sabi ni Jimmy habang lumiliko sa isang intersection.
“Meron yan. Dati diyan din tayo bumili ng sinulid at karayom, naaalala mo yun? Nung nasaksak ka sa may bandang hita.”
“Sa Antipolo yun. Mas malaki branch ng Mercury doon eh.”
“Meron yan. Lahat yan sila meron.”
Nag-park si Jimmy sa bandang kaliwa ng Mercury Drug. Nakalabas na siya at nakalakad ng ilang hakbang nang bumalik ulit siya.
“May gusto ka bang bilhin?”
“Sinulid nga at karayom. Dahil mamamatay na ako sa sakit dito oh.”
“Maliban doon. Gusto mo ba ng ice cream o chocolate?”
“Bakit ililibre mo ba ako?”
“Syempre hinde. Wala ka talagang ipapabili pa?”
“Ay muntik ko na makalimutan, betadine at agua oxenada pala; panlanggas.”
“Ayaw mo ng alcohol?”
“Gusto mo bang mamatay ako sa hapdi? Wag alcohol.”
“Sige na. Wag kang iidlip ah. Baka di ka na niyan magising”
At naiwan na ako sa kotse. Matapos ang ilang minuto, nasa bingit na ako ng pag-idlip nang bumalik si Jimmy.
“Sabi ko sayo wala silang sinulid dito eh” nilapag ni Jimmy ang nabili niya sa likuran ng kotse.
“Wala? Ano ngayon ang binili mo?”
“Bumili na lang ako ng isang box ng band-aid. Damihan na lang natin para matapalan ang buong sugat.”
“Wala man lang silang gasa?”
“Wala nga. Edi sana yun yung binili ko. Sige hugasan muna natin itong sugat mo. O ayan agua oxenada at betadine ang binili ko, tulad ng sabi mo.” Nilabas niya sa paperbag ang isang rolyo ng bulat at dalawang magkaibang bote: isang puti, isang luntian. Tinaas ko nang bahagya ang aking T-shirt para lumantad ang malalim na saksak. Sinumulan munang pahiran ng agua ni Jimmy ang sugat.
“Ayan sobrang bula ng agua. Sobrang dumi ng sugat mo.”
“Ganoon ba yun? Sabi dun sa nabasa ko sa dugo bumubula ang agua.”
“Sa dumi yun sabi ng nanay ko. O betadine naman.”
Pinahiran ni Jimmy ng betadine ang sugat. Matapos nito, binuksan na niya ang box ng band-aid.
“Ilan laman ng isang box na yan?” tanong ko.
“60 pieces daw.”
“Mas malaki yung sugat kesa dun sa band-aid.”
“Patayo na lang natin idikit yung mga band-aid tapos damihan natin para matakpan lahat.”
“Sige, wala naman tayong choice eh.”
At sinimulan na ni Jimmy ang pagtapal ng band-aid sa aking sugat. Habang ginagawa niya ito, kinwento niya ang nakita niya sa loob ng Mercury Drug. “Nasa balita ka na agad sa TV,” sabi niya.  
“May balita na agad? Mas mabilis ngayon ah.”
“Oo nga eh. May nakakita pala sa iyong bata dun sa bahay, anak ni Ana. Bat di mo nasabi sa akin?”
“Anak pala yun ni Ana. Akala ko dalaga pa siya.”
“Hindi pala eh. Nagulat rin ako. Di naman nakita nung bata yung mukha mo no?”
Sapat na ang katahimikan ko bilang sagot.
“Nakita niya ang mukha mo?!” sigaw ni Jimmy.
“Tinitignan ko kasi yung mukha ko sa salamin. Sobrang sakit kasi ng ilong ko eh.”
“Sobrang tanga ka talaga no?”
“Pero di naman siguro naaninag nung bata yung mukha ko. Sobrang duguan at wala sa ayos yung ilong ko.”
“Bahala ka dyan. Ikaw magpaliwanag kay Donya.”
“Sige sige ako na magpapaliwanag.”
“Baka habulin pa yang batang nakakita sa’yo. Dagdag trabaho na naman yan.”
“Di yan. Tsaka bata lang naman yun. Mabilis pang mawala memorya niyan.”
“Sigurado kang di nakita totoong mukha mo ah?”
“Oo, hindi nga. Sabi mo nga di ba? Di na ako makikilala ng asawa ko sa mukha kong ito.”
“O ayan tapos na.” Naka-anim siyang band-aid para matapalan ang buong sugat. Kinuha niya ulit ang plastik na pinagbilhan niya. Nilabas niya ang dalawang chocolate na Cornetto.
“Nice naman, nanlibre.”
“Medyo gutom na ako eh.”
“Bat ka bumili ng ice cream? Dapat tinapay binili mo.”
“Eh gusto kong kumain ng ice cream eh, pakialam mo ba? Ayaw mo ba?”
“Syempre gusto ko. Libre eh.”
Napatawa ako nang kaunti at napasigaw ulit ako sa sakit sa aking tagiliran. Inabot ni Jimmy ang isang Cornetto sa akin, at sabay naming kinain ang ice cream. Magandang katapusan ito sa isang nakakapagod na araw.  

Wednesday, January 2, 2019

On the Issue of Statistical Inference in Quota Sampling

I think medyo mali yung nakikita ng iba na mali sa paggamit ng quota sampling. Hindi issue kung nagbibigay ba siya ng "representative sample" o kung better siya sa convenience sampling. Ang nakikita kong dalawang issue sa quota sampling ay:
  1. Yung lack of inclusion probability which is needed for the derivation of the estimators.
  2. Yung sampling procedure itself, which is not a random experiment: an essential requirement for the estimators to be random variables.

Ang isang mali sa quota sampling ay yung nawawala na yung konsepto ng inclusion probability which is an essential tool to have the sampling weights or yung dami ng units sa population na kayang irepresenta ng isang unit sa sample mo. Dahil sa sampling weight meron tayong power to generalize or infer from sample to population using our estimators. Sila yung ginamit na pang-derive ng kung ano mang estimators meron tayo sa stat: sample mean, total, variance etc. Sa elementary statistics course, di na pinakita, pero nabuo yung simplest formula for the sample mean (yung sum ng Xi's over n) kasi may assumption na yung sample selected ay isang SRSWOR or an SRSWR. Ang kinagandahan sa dalawang sampling procedures na yun, since equal ang weights ng units mo, kaya nating i-simplify sa ganoong formulas yung mga estimator, without dealing with the sampling weights (wala na yung mga Wi's sa formula). Now, pag meron kang quota sample, tapos gumamit ka ng estimator na may assumption na SRSWOR o SRSWR, edi misleading na lahat ng estimates mo.

Another thing is yung kaibahan ng random variable at isang variable lamang. A variable can assume any values from different units sabi nga sa definition. Mas may kulay ang random variable, kasi sa pagbuo niya dapat may kalakip siya laging random experiment, or an experiment that can be repeated under similar conditions.
Tignan natin yung pagkuha ng isang probability sample from a population as our random experiment. So wala tayong problema kasi yung mga statistics na makukuha sa mase-select na probability sample ay isang random variable.

Pero what if nag-quota sampling ka lang? Since di na random experiment yung pag-select mo ng sample, edi di na  random variables yung mga "estimators" mo sa mase-select mong sample. Variable na lang siyang matuturing. And ito ang importante: dahil di na random variables ang mga "estimators" mo from the quota sample, wala silang mga probability distributions. Di mo na pwede masabing normally distributed yung sample mean from your quota sample kasi di nga random variable yung sample mean. And alam natin na kailangan natin itong mga probability distributions na ito for creating confidence intervals, hypothesis testing at modelling. So pretty much screwed ka sa statistical inference pag nag quota sampling ka.

So ibig sabihin ba nito useless na yung nakuha kong data from my quota sample? Natural hindi. Di ba motto nga natin sa stat na it is better to have less information than no information at all. Pag nonprob ang nakuha nating sample, laging maging maingat tayo sa pag-interpret ng estimates. Heto yung mga pwede nating gawin:

1. I-reduce na lang natin yung study natin to descriptive stat, meaning walang explicit generalization sa population na magaganap. Parang yung sa Family Feud, pag nag-aannounce yung host ng sagot sa board, laging may disclaimer na "Ayon sa 100 respondents namin" at di niya sinasabi na "Sabi ng buong bansa." Yung conclusion niya only applies to the 100 respondents. And yes, nawalan na ng impact yung ginawa mong result kasi it only applies to the data at hand pero may halaga pa rin siya sa readers. Parang sinasabi mo kasi implicitly sa readers na "posible na di malayo sa sample mean na ito yung mean ng buong population, pero we can't quantify for sure yung possibility na yun."

2. If you really want to generalize, kailangan mong i-defend nang husto at magbigay ng madugong proof na "super representative" ng sample mo yung target population mo. Try characterizing your target population sa RRL (demographics etc.), then state na yung sample na kinuha mo ay kamukha ng iyong target population. Note lang na you can't use the computed standard error na nilalabas ng softwares as a reliability measure of your estimates kasi nga nabuo yung concept ng standard error na (again) may assumption na random variable yung estimators mo. Pwede mo lang masabi na since "representative" naman yung sample ko edi oks na sabihin na ganito rin yung numerong lalabas pag nag-census ako.

There could be other ways to make sense of a quota sample or any nonprob sample pero laging tatandaan na kailangan mong maging maingat sa pag-interpret lalo na kung yung purpose ng study mo is to generalize to the whole population.

TLDR;

Walang inclusion prob sa quota sampling, which is needed for the derivation of the estimators. Di rin random variables yung estimators mo pag quota sampling, so wala silang probability distribution. Di ibig sabihin na useless lahat ng information collected from the quota sample, basta kailangan ingat lang tayo sa pag-interpret.